We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephIsang magandang panimula para sa isang “bulilit” child star na si Trisha Luise Cañete o mas kilala bilang Cha-cha Cañete ang mga nakamit na tagumpay sa murang edad pa lamang.
Matatandaang nakilala si Cha-cha noong 2009 sa kanyang paglabas sa TV commercial ng isang real estate company na Camella Homes.
Matapos nito ay pinasok na din niya ang mundo ng showbiz nang siya ay sumali sa isang kids gag show na ‘Goin’ Bulilit’ noong 2015 sa Kapamilya network.
Sa kabila nito ay hindi nakalimutan ni Cha-cha ang kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman matapos ang kanyang TV appearance sa Goin’ Bulilit ay nag focus muna siya sa kanyang pag-aaral.
Nagtapos si Cha-Cha ng grade school sa Diliman Preparatory School at nagkamit ng karangalan nang siya ay mapabilang sa mga honor student.
Hindi lang nakilala si Cha-Cha noon sa paglabas niya mula sa mga TV shows at commercials, kundi naging tanyag din siya mula sa mga nakuha niyang achievements habang siya ay nag-aaral.
Isa na nga dito nang siya ay mapabilang sa kanilang Theatre School Organization at ginampanan ang karakter ni Mulan. Dahil dito ay talaga namang hinangaan si Cha-Cha sa kanyang talento sa pag-arte.
Noong October 2016 naman ay nagkamit din ng karangalan si Cha-Cha bilang Best Anchor Award at nakatanggap ng 2nd place kasama ang mga teammate niya nang sila ay sumali sa NCR level’s 37th Division Young Writer’s Contest.
Sa naganap naman na 17th World Championship of Performing Arts sa Hollywood, California ay naging representative ng Team Philippines si Cha-Cha kung saan sinalihan niya ang limang kategorya. Naguwi ng karangalan si Cha-Cha at nakakuha ng dalawang silver na medalya sa Pop and Gospel Categories nang awitin niya ang kanyang sariling version ng ‘The Climb’ at ‘Climb Every Mountain’.
Madami ang nagulat nang siya ay mapabilang sa mga celebrity contestant sa isang segment ng Showtime na Tawag ng Tanghalan noong 2019.
Hindi lang dito nagtatapos ang pagbabalik ni Cha-Cha sa showbiz dahil naimbitahan din siya sa isang radio station na Wish 107.5 para live na awitin ang ‘Fight Song’ ni Rachel Platten.
Isang magandang panimula para kay Cha-Cha ang mga nakuha niyang achievements hindi lamang sa showbiz pero maging sa kanyang pagaaral. Malapit na magtapos ng kanyang pag-aaral sa high school si Cha-Cha at patuloy siyang nagsisilbing inspirasyon para sa ibang kabataan tulad nya na nangangarap at nagsusumikap.
The post Tignan kung ano na ang mga narating ni Cha-Cha Cañete na kinagiliwan noon dahil sa kanyang Bulilit Camella Homes commercial appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes