We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephMasayang ipinagdiriwang ngayon ng magpartner na sila Paolo Contis at LJ Reyes ang kanilang 5th anniversary simula nang pumasok sila sa relasyon.
Sa kanilang mga Instagram account ay nagpalitan sila ng sweet at malaman na mensahe para sa isa’t isa.
Nagpost ng limang letrato nilang dalawa ni LJ si Paolo at sa caption ay sinabi niyang, “5 pictures, 5 years… but only 1 YOU!!!”
Sa mensahe ni Paolo ay nagpasalamat siya sa mga naging sakripisyo ni LJ para sa kanya at sa kanilang pamilya.
“Thank you for everything, Mahal..!! @lj_reyes hindi alam ng tao kung gaano ako kahirap pakisamahan minsan (or madalas ) they don’t know the things you have given up for me, they don’t know how strong you are, they don’t know na ikaw ang main ingredient ng bahay na to kaya kaming lahat ay masaya at malakas. Marami pa silang hindi alam… pero lahat yan, ay alam ko! And I am so lucky and thankful..!! I love you so much, Mahal ko!!”
Nagkomento naman si LJ sa post ni Paolo at sinabing, “I love you!!! Thank you for the simplest things..”
Maging sa kanyang Instagram account ay nagpost si LJ ng mensahe para sa kanyang pinakamamahal na si Paolo.
Sa mensahe ni LJ ay sinabi niya na mahirap man ang panahon ngayon pero si Paolo pa rin ang gugustuhin niyang makasama sa ganitong mga panahon.
“It’s such a difficult time and all I can say is that there’s no other person I would want to go through this than you! It’s honestly been such a roller coaster ride of emotions for me lately, but thank you for being patient with me!”
Nagpasalamat din si LJ kay Paolo sa pagbibigay sa kanya ng lakas.
“Thanks for always being the strength I didn’t know I needed! I wish for more fruitful years with you and the kids! I love you @paolo_contis! Happy 5th! Sa 6th mo nalang ako ulit itry isurprise!”
Nakakatawa naman ang naging tugon ni Paolo sa post ni LJ.
“In fairness talaga mukha kitang pamangkin sa picture na to ha!! i love you iha! next time pwede pag isusurprise kita, makisama ka naman! ”
Si LJ at si Paolo ay mayroon nang isang anak na pinangalanan nilang Summer. Ang panganay na anak naman ni LJ na si Aki ay anak niya sa kanyang dating karelasyon na si Paulo Avelino.
Si Paolo naman ay may dalawang babaeng anak sa dati niyang asawang si Lian Paz.
The post Nagpalitan ng nakakakilig na mensahe sa isa’t isa si Paolo Contis at LJ Reyes sa kanilang ika-limang taong anibersaryo bilang magkarelasyon appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes