We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephHindi madali para sa isang mag-asawa ang pagkakaroon ng sariling pamamaraan sa paghawak at pagbabudget ng pera ng kanilang pamilya. Nakaayon ang kanilang mga desisyon sa kung ano ang pinaka mainam na paraan sa paghandle ng kanilang mga kinikita.
Sa isang press conference ay diretsahang tinanong ang aktres na si Marian Rivera kung ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes ay ibinibigay sa kanya ng buo ang natatanggap na suweldo.
Inilahad ni Marian na siya ang namamahala at nagbabudget ng gastusin ng kanilang pamilya at siya din umano ang nakatoka sa pamimili ng kanilang mga pangangailangan sa bahay.
“Gusto niyo bang malaman yung totoo? Binibigay niya sa akin yung sweldo niya.”
Ngunit nilinaw ni Marian na mayroon ring sariling pera tulad niya si Dingdong bukod sa binibigay nito na sweldo sa kanya.
“Hindi naman porket binibigay niya sa akin lahat eh, wala siya. Syempre meron naman siya, meron ako, meron kami para sa pamilya.”
Ayon sa aktres ang pagkakaroon nila ng personal savings ay isa din sa mahahalagang bagay na bahagi ng pagbabudget ng kanilang pamilya.
Mapapansin din ang pagiging organized ni Marian pagdating sa paghandle ng kanilang finances.
Sa bawat pera na natatanggap daw ng aktres mula kay Dingdong ay agad niyang hinihiwalay ang kanilang mga expenses kasama na din ang mga personal savings nang sa ganoon ay makapag-save sila.
“May listahan ako e. Maarte talaga kasi ako. Nakasulat talaga doon yung budget namin sa bahay kuryente, tubig, sa helper, lahat.”
Talaga namang hinangaan ang aktres sa pagiging totoo nito at ang pagbahagi nito ng kanyang budgeting skills na nagsilbing inspirasyon para sa karamihan.
Lubos din naman ang pagbati na kanyang natanggap mula sa mga fans at supporters nito.
“She is an inspiration to other housewives.”
“Yan ang housewife! Organized!”
“Napakaswerte talaga ni Dong kay Yan, marunong mag budget ng pera at marunong sa buhay! ”
The post Ibinahagi ng aktres na si Marian Rivera kung paano ang setup nila ng asawang si Dingdong Dantes pagdating sa pera ng kanilang pamilya appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes