Simple at memorable ang naging unang pagdiriwang ng kaarawan ni Sarah Geronimo bilang Mrs. Guidicelli

Ilang araw ang lumipas nang magpost ng trivia ang sikat na doktor na si Dra. Vicki Belo sa kanyang Instagram account kung saan makikita sa letrato ang tatlong tao na tila nakasakay sa isang yate at ang kita lamang ay ang kanilang mga paa.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Sa post ay tinanong ni Dra. Vicki kung kaninong mga paa ang nasa kanyang letrato.

“Can you guess which lower legs BELOng to whom ? Answers to be posted later tonight .”

Credit: Vicki Belo, M.D. Instagram

Marami ang sumagot na ito ay mga paa nilang tatlo nila Hayden Kho at Scarlet Snow pero sa comment ay nagbigay pa siya ng additional clue.

“Hint : it’s kindda they’re long delayed honeymoon”

Matapos ibigay ang clue na ito ay maraming sumagot na ang kasama ni Scarlet Snow sa letrato ay sila Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Kinumpirma naman ito ni Dra Vicki sa sumunod na post at ipinost ang picture na kitang kasama ng kanyang anak ang popstar princess at asawang si Matteo.

Credit: Vicki Belo, M.D. Instagram

“You guys are good . After I gave the delayed honeymoon clue , the majority of you guessed right @matteog @scarletsnowbelo and @justsarahgph”

Hindi man binanggit ng sikat na doktor ang lugar kung saan sila nagbakasyon ay makikita sa kanyang mga letrato na sa tabing dagat sila nagbakasyong pamilya kasama sila Matteo at Sarah.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Ang bakasyon din na ito ay nagsilbing selebrasyon ni Sarah para sa kanyang kaarawan. Memorable ang kanyang kaarawan ngayong taon dahil unang beses niyang magsecelebrate ng kanyang birthday bilang Mrs. Guidicelli.

Ngayong nagsecelebrate ng ika-32 na kaarawan si Sarah ay nagpost muli si Dra Vicki ng napaka-sweet na letrato ng mag-asawa kung saan hinalikan ni Matteo si Sarah sa kanyang pisngi.

Credit: Vicki Belo, M.D. Instagram

“Happy birthday @justsarahgph . Thank you @matteog for kissing your wife for us. Now, they planted a coconut tree together that will bear fruit for years to come . May God bless you always and keep you safe .”

Hindi rin nagpahuli si Scarlet Snow sa pagpost ng sweet na picture ng kanyang kuya Matteo at Ate Sarah sa kanyang Instagram account.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

“Not for my eyes!🙈

“Happy birthday, ate @justsarahgph! I love you so much! I wish we were neighbors so I could visit you everyday and be bestfriends with your future babies!”

The post Simple at memorable ang naging unang pagdiriwang ng kaarawan ni Sarah Geronimo bilang Mrs. Guidicelli appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment