We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephIba ang kasiyahan at fulfilment na nararamdaman ng mga magulang kapag nakikita ang paglaki ng mga anak. Mula sa isang walang muang na sanggol hanggang sa maging malikot at masayahing bata, iba ang pakiramdam na dulot na masubaybayan sila sa kanilang paglaki.
Ganyan ang kasiyahan ngayon ng magpartner na sila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo dahil ang kanilang anak na si Lilo ay nagdiwang na ng kanyang ika-unang kaarawan.
Sa Instagram ni Andi ay proud niyang ipinakita ang naging simpleng photo shoot ni Lilo para sa kanyang kaarawan. Sa caption din ay ipinarating ni Andi ang kanyang mensahe para sa kanyang pangalawang anak.
Sinabi ni Andi sa kanyang mensahe kung gaano naging kabilis ng mga araw at nagsecelebrate na ngayon si Lilo ng kanyang ika-unang kaarawan. Idinagdag din niya kung paano nagdala ng kasiyahan si Lilo sa kanilang mga buhay.
“Happy 1st birthday to this tiny little love of ours! 365 days went by so quickly and a lot has happened around us, but having you kept our lives staying as positive as can be, and our hearts filled with so much joy. You are truly one of a kind, Lilo, and you’re life has just begun! I can’t wait for what life has in store for you… and the other way around ”
Hindi rin nagpahuli ang ama ni Lilo na si Philmar sa pagbigay ng mensahe para sa kanya.
Kasalukuyang nasa Maynila sila Andi, Lilo, at Ellie at naiwan si Philmar sa isla kaya naman hindi niya nakasama ang kanyang mag-ina sa selebrasyon na ito.
“Happy birthday nak love you so much! pasabot ra nako puhon naman waya ako ditun, bawi ra si papa sonod.”
Sinabi naman ni Philmar sa kanyang mensahe kay Lilo na babawi siya sa susunod sa kanyang anak.
Nagcomment naman si Andi sa post ni Philmar at sinabi kung gaano nila kamahal at ka-miss si Philmar na malayo ngayon sa kanilang piling.
“We love and miss you sooo much papa!”
The post Iba ang saya nila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa pagdiriwang ng unang kaarawan ng kanilang anak na si Lilo appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes