Blooming pa rin at puno ng kaligayahan si Bangs Garcia pagkatapos niyang isilang ang kanilang pangalawang anak

Sunod-sunod ang mga celebrity ngayon na buong sayang inaanunsyo ang paglabas ng karagdagang miyembro ng kanilang pamilya. Kasama na dito ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano at ang celebrity couple na sila Isabelle Oli at John Prats.

Ngayon naman ay masayang ibinalita ng aktres na si Bangs Garcia sa publiko ang pagsilang ng pangalawang anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Lloydi Birchmore.

Credit: Valerie Garcia Birchmore Instagram

Ayon sa post ni Bangs ay ipinanganak ang kanilang pangalawang baby girl ng July 21 ng 9:30 ng umaga. Pinangalanan nila ang kanilang pangalawang anak na babae na Isabella.

“Happy Birthday, Isabella!!!💖 Born on 21st July 2020 at 9:30am”

Idinagdag ni Bangs na pareho ng timbang si Isabella sa kanyang ateng si Amelia noong ipinanganak din ito.

Credit: Valerie Garcia Birchmore Instagram

“weighing 7.8 lbs. ( exactly as heavy as her big sister Amelia when she was born 😄)
#IsabellaBirchmore”

Kasalukuyang naninirahan ang pamilya ni Bangs sa London at doon na rin parehong ipinanganak ang kanilang dalawang anak na babae.

Credit: Valerie Garcia Birchmore Instagram

Tatlong beses ikinasal si Bangs sa kanyang Filipino-British husband na si Lloydi. Ang una ay isang civil wedding sa London, ang pangalawa ay isang church wedding, at ang pangatlo ay isang beach wedding sa Boracay.

Credit: Valerie Garcia Birchmore Instagram

December 5, 2017 nang isinilang ni Bang ang kanilang unang anak na si Amelia sa London at ngayong 33-years-old na siya ay nadagdagan pa sila ng isang bundle of joy.

Noong February 14 ng taong ito inanunsyo nila Bangs at Lloydi ang isang magandang balita na magkakaroon na muli sila ng isa pang anak.

Credit: Valerie Garcia Birchmore Instagram

Itong Mayo ay ini-reveal din nila Bangs na ang kanilang pangalawang anak ay isa muling baby girl.

Credit: Valerie Garcia Birchmore Instagram

Marami ang nagpaabot ng pagbati kay Bangs at sa kanyang asawa sa pagdating ng isa pang baby girl sa kanilang buhay.

“Congratulations! ❤❤❤

“Congratulations, Babe! 💓✨ Hope you and baby are doing fine…”

“Congratss! Additional beauty to the world na naman!”

Credit: Valerie Garcia Birchmore Instagram

Meron ding mga nakapansin sa pagiging blooming at fresh pa rin ni Bangs kahit bagong panganak pa lang nito.

“Ikaw lngvying nanganak ng fresh”

“Sana all, lahat ng manganganak ganito k ganda 😊😊😊

The post Blooming pa rin at puno ng kaligayahan si Bangs Garcia pagkatapos niyang isilang ang kanilang pangalawang anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment