We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephAng pagpasok sa isang relasyon ay may kaakibat na kahandaan at kasiguraduhan. Maraming tao ang naghihintay na dumating ang kanilang “the one” sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon.
Sa kabila ng kasikatan at pagiging pribado pagdating sa buhay pag-ibig ng aktor at modelo na si Daniel Matsunaga ay ibinahagi niyang handa na siyang mag-asawa at matagpuan ang kanyang wife-to-be.
Ayon kay Daniel ay simple lang naman ang gusto niya sa isang babae na kanyang mamahalin at makakasama pang habang buhay. Isang babae na may takot sa Diyos, mabait, maganda at higit sa lahat ay gusto at makakasundo ng kanyang pamilya.
Ito ang kanyang naging pahayag sa isang interview na ginawa ng The Daily Inquirer sa kanya.
“I’m already 31. I need a wife. But I’m all about trusting His ways.”
Nakilala si Daniel hindi lamang sa kanyang pag-arte kundi pati na rin sa kanyang nakamit na tagumpay nang siya ay hirangin bilang grand winner sa Pinoy Big Brother: All In Edition ng kanilang batch noong 2014.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na naging usap-usapan din ang mga naging karelasyon ni Daniel noon. Mula sa kanyang ex-girlfriend na si Erich Gonzales na dalawang taon ang itinagal ng kanilang relasyon hanggang sa muli na naman nakatagpo si Daniel ng pag-ibig sa isang Polish model na si Karolina Pisarek.
Nakilala niya si Karolina sa isang advertising campaign nang siya ay minsang umuwi ng Pilipinas.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil makalipas ng halos dalawang taon nilang relasyon ay kinumpirma ni Daniel sa kanyang Instagram post ang paghihiwalay nila ni Karolina.
Marami man ang nalungkot sa kinahinatnan ng naging relasyon nila lalo na at madalas silang magbahagi ng kanilang sweet moments na magkasama ay marami din ang nanghinayang at naghangad na sa kasalan na ang kanilang kahahantungan.
Sa kabila ng mga pinagdaanan mula sa kanyang mga past relationships ay nanatili pa ring positibo si Daniel na matatagpuan niya ang kanyang soon-to-be wife sa paglipas ng panahon.
Sa kasalukuyan ay ine-enjoy ni Daniel ang kanyang trabaho at nagsusumikap sa kanyang modelling career. Nag-eenjoy din si Daniel ngayon sa piling ng kanyang pamilya kung saan makikitang madalas kalaro niya ang kanyang mga pamangkin.
The post Daniel Matsunaga, handa na raw mag-asawa ngunit hindi pa natatagpuan ang babaeng papakasalan niya appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes