We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephMadalas maririnig sa mga magulang ang mga katagang “ang bilis ng panahon” dahil nga naman sa bilis ng paglaki ng mga anak. Parang kailan lang ay mga sanggol lamang sila na umiiyak sa bisig ng kanilang mga magulang pero ngayon ay yun ay mga masasayang alaala na lamang na masarap balik-balikan.
Sa kanyang Instagram account ay naging emosyonal ang aktres na si Dimples Romana nang ipost ang mga letrato ng kanyang dalagang anak na si Callie na kinuhanan ng kanilang kaibigan na si Shaira Luna.
Sinabi niya sa kanyang mensahe sa anak kung gaano kabilis ang panahon at ngayon ay dalaga na ito.
“@callieahmee Saan napunta ang panahon this shoot of yours by our dear friend @shairaluna just reminded me of how much you have grown and bloomed into a young woman. Naiiyak ako!!!”
Binanggit din ni Dimples ang kanyang mga pinagdaanan nang pinapalaki ang kanilang anak na babae.
“Raising a teenager these days has been strange, challenging and fulfilling all at the same time. Everyday I worry on how I can always keep you safe, away from sakit, to keep you busy so you won’t feel uneasy at home, to keep you happy and feeling loved.”
Dinagdag din ni Dimples na nagbibilang na siya ng mga araw ngayon lalo na at sa susunod na taon ay mawawalay na sa kanila ang kanilang anak na papasok sa kolehiyo.
“Next year you’ll be away from home for college and I’m counting the days already. Somehow I just never want to leave home, be with you and make sure I make enough memories with you to keep you company when you’re not with us in the coming years. I love you ate.”
Pinaalala din ni Dimples kung gaano nila kamahal ang kanilang panganay na anak at kung gaano sila kaproud dito.
“And always remember that everything we do, we do to protect you, keep you safe, and make you proud ”
Ang panganay na anak ni Dimples na si Callie ay 16 years old na ngayon at pinasok na rin ang mundo ng video blogging kung saan ang kanyang YouTube channel ay pinangalanang Callie Ahmee.
The post Dimples Romana, naging emosyonal nang balikan ang mga letrato ng dalagang anak na si Callie appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes