Espesyal ang mga inihandang pagkain ni Dina Bonnevie at ng kanyang stepdaughter para kay Erich Gonzales nang bumisita ito sa kanilang bahay

Ibat-ibang pamamaraan ang ginagawa ngayon ng karamihan kung paano gagawing productive ang kanilang mga araw habang nasa loob lang ng bahay. Karamihan sa kanila ay nagsimula na ng online business at ang iba naman ay naging libangan na ang pagluluto.

Credit: Erich Gonzales YouTube     

Isang cooking vlog naman ang mapapanuod sa video na in-upload ng aktres na si Erich Gonzales kamakailan lang. Ito ay nang imbitahan siya ng batikang aktres na si Dina Bonnevie sa kanilang bahay upang paglutuan si Erich ng Baked Sushi.

Credit: Erich Gonzales YouTube

“I’m on my way now to Mama Dina’s house, Ms. Dina Bonnevie, kasi she invited me to go to her house. Actually di dapat kami magba-vlog today. Ang sabi niya lang, gagawa siya ng Sushi Bake for me from scratch. So I decided na i-share sa inyo yun. I asked her if pwede and pinaunlakan niya tayo. We’re so lucky!”

Credit: Erich Gonzales YouTube

Sa simula ng video ay ibinahagi ni Dina na isa sa mga pinagkakaabalahan niya ngayong l0ckdown ay ang pagluluto kasama ang kanyang stepdaughter na si Marie.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Nagbiro pa ang aktres na talaga namang na-test ang kanyang cooking skills dahil iba’t ibang klase na ng pagkain ang kanyang naluto at isa na nga doon ay ang sumisikat na Sushi Baked na lulutuin niya para kay Erich.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Ibinahagi ni Dina ang isang sikreto nila para mapanatiling healthy ang kanilang pangangatawan at yun ay ang pagkain ng Adlai Rice kesa white rice. Mas gusto daw niyang gamitin ang Adlai rice dahil ito ay mainam sa mga health conscious na kagaya niyay dahil mababa ang sugar content nito at ito ay gluten-free.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Tatlong nakakatakam na klase ng Baked Sushi ang inihanda ni Dina para kay Erich. Una ay ang Unagi sushi na may halong roasted eel. Ang pangalawa naman ay ang Tuna sushi at ang pangatlo ay ang Salmon sushi na sinamahan niya ng crab meat.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Talagang pinaghandaan ni Dina ang pagdating ni Erich dahil dinagdagan pa niya ang inihain kay Erich ng Baked Oyster na may kasamang sauce na mula mismo sa kanyang personal na recipe.

Sa pagtatapos ng video ay Ibinahagi din ni Dina ang adbokasiya ng kanilang business na La Bon Vie Enterprises at ito ay ang matulungan ang mga weavers sa Ilocos Sur.

The post Espesyal ang mga inihandang pagkain ni Dina Bonnevie at ng kanyang stepdaughter para kay Erich Gonzales nang bumisita ito sa kanilang bahay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment