Isang taon pagkatapos makalipat sa kanilang malaking bahay, inalala nila Doug at Cheska Kramer ang mga pinagdaanang pagsubok bago narating kung nasaan sila ngayon

Nagsimulang gumawa ng ingay ang pamilya nila Doug at Cheska Kramer nang mag-umpisa silang magbahagi ng mga letrato at video ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Nagsilbi silang inspirasyon sa marami kung paano nila naabot ang kanilang mga pangarap at pati na rin ang paraan ng kanilang pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Credit: Doug Kramer Instagram         

Ngayon nga na isang taon na ang nakalipas nang lumipat sila sa kanilang napakalaking dream house ay inalala ng mag-asawa ang mga pinagdaanang hirap at pagsubok bago nila nakamtan ang kanilang mga pangarap.

Credit: Doug Kramer Instagram

Ayon sa post ni Doug ay naniniwala siyang unti-unti tayong sinasala ng Diy0s para ihanda sa mga biyaya na ipagkakaloob Niya.

Credit: Doug Kramer Instagram

“I believe God prunes us to get us ready for His blessings.”

Credit: Doug Kramer Instagram

Hinimok din niya ang kanyang mga followers na panatilihin ang pananampalataya at ipagpatuloy na abutin ang mga gustong abutin sa buhay.

Credit: Doug Kramer Instagram

“Keep the faith and keep pursuing your goals!”

Credit: Doug Kramer Instagram

Sa huli ay sinabi ni Doug na talagang nagkakatotoo ang mga panaginip o pangarap.

Credit: Doug Kramer Instagram

“Dreams do come true! Can’t believe it’s been over 1 year now since our move! 🙏❤🏡

Credit: Doug Kramer Instagram

Inabot ng sampung taon sila Doug at Cheska bago nila na-achieve ang kanilang pangarap. Noong bagong kasal pa lamang sila ay nagsimula silang magrenta lamang ng bahay.

Credit: Doug Kramer Instagram

Noong ipinanganak naman ang kanilang panganay na anak na si Kendra ay lumipat sila sa isang maliit na condominium unit. Nang ipinanganak naman si Scarlett ay nagrenta sila ng isang townhouse.

Credit: Doug Kramer Instagram

Dahil sa lumalaki na ang kanilang pamilya at nadagdagan na naman ng isa ang kanilang anak ay nagdesisyon sila Doug at Cheska ng bumili ng isang bahay matapos ipanganak ang bunsong si Gavin.

Ilang taon din sila namalagi sa kanilang unang biling bahay hanggang sa magdesisyon muli sila Doug at Cheska na ipatayo na ang kanilang dream home.

Credit: Doug Kramer Instagram

Dalawang taon din ang itinagal ng construction ng kanilang malaking bahay at taong 2019 ay ganap nang nakalipat ang team Kramer sa kanilang napakalaking dream home.

Dahil sa istorya ng pagpupursige at pananampalataya ng team Kramer ay marami ang na-inspire sa kanila at marami din ang nagsimulang mangarap na isang araw ay maabot din nila ang kanilang pangarap.

The post Isang taon pagkatapos makalipat sa kanilang malaking bahay, inalala nila Doug at Cheska Kramer ang mga pinagdaanang pagsubok bago narating kung nasaan sila ngayon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment