We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephMuli namang pinatawa at pinakilig ng aktor na si Enchong Dee at aktres na si Erich Gonzales ang kanilang fans sa kanilang second collaboration video na kanilang ginawa at in-upload sa YouTube channel ni Enchong.
Naisipan nilang gumawa ng isang darts shot game na kung saan ay may mga nakahandang papel na nakalagay sa isang lalagyan at naglalaman ng mga pagpipilian na funny questions, iinom ng nakakalasing na inumin, o iinom ng healthy drinks.
Sa pagsisimula ng kanilang game ay nakaligtas si Erich sa pag-inom ng alak nang tamaan nito ang Pass sa dart board. Sumunod naman ay si Enchong nang mabunot niya ang question tungkol sa kaniyang biggest screw up sa kusina nang gumawa ito ng yogurt.
Nagbiro naman si Enchong nang ibalik niya ang katanungan sa aktres at purihin niya ang gawa nitong pasta na tinawag ni Enchong na Milky Macaroni.
Makikita naman ang kasiyahan mula kay Enchong nang maisip nito na sila ay parang isang vlogger na lasenggo.
“It’s good, it’s good, it’s good! Tsaka gusto ko yung para tayong vlogger na lasenggo, yung hahanap tayo ng paraan para makainom.”
Makikita naman ang pagpula ng mukha ni Enchong at pagka-tipsy nito habang patuloy ang kanilang paglalaro na ayon sa kanya ay inexpect na niyang mangyayari dahil hindi talaga siya umiinom at mabilis siyang malasing.
“Hindi kasi mahina talaga yung tolerance ko sa alak, kaya nga hindi ako umiinom kasi ganito yung itsura ko palagi nakakahiya.”
Marami naman ang kinilig sa ipinakitang pagiging gentleman at concern ni Enchong kay Erich noong uminom si Erich ng apple cider vinegar mula sa nabunot nitong drink good.
“Tubig! Tubig! Tubig nga sa magandang binibini dito.”
Kahit na tipsy na si Enchong ay hindi pa rin nawala ang pagiging sweet nito sa kanyang matalik na kaibigang si Erich. Nang makabunot ulit si Erich na iinom ng alak ay hiniling ng aktres kung pwedeng kalahati na lang ang kanyang inumin at napaka-sweet ang naging tugon ng aktor.
“Definitely my love. You’re gonna.. you’re just gonna take a half.”
Mababasa sa mga komentong ipinadala ng kanilang followers kung gaano sila kinilig sa ipinakitang closeness ng dalawa sa video.
“Your friendship is so genuine.”
“They’re calling each other as My Love and Baby! May Enrich heart is so drunk! ”
“I love their friendship though they’re friends I still ship them.”
The post Muling pinatawa at pinakilig nila Erich Gonzales at Enchong Dee ang mga netizen sa ginawa nilang Darts Shots Game appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes