Kapuso star na si Gabbi Garcia, ipinasilip ang kanyang bagong gawang glamoroso at malaking walk-in closet

Muling pinahanga ng aktres na si Gabbi Garcia ang netizens mula sa kanyang mala-glamurosong walk-in closet sa video na ibinahagi nito kamakailan lamang.

Credit: Gabbi Garcia YouTube            

Matatandaan na unang ipinakita ni Gabbi sa publiko ang tropical glam na disenyo ng kanilang bahay at makikita na hindi niya isinama ang kanyang walk-in closet dahil sa kasalukuyang inaayos ito.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Pagpasok mula sa kanyang walk-in closet ay bubungad sayo ang pagka-elegante nito mula sa plain white background na may geometric shapes design na sinamahan ng touch of pink at gold, na daddy niya mismo ang pumili magmula sa mga disenyo ng kagamitan nito.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Hindi lamang walk-in closet ang iyong masisilayan dahil mayroon din isang mini lounge area na kung saan ay makikita ang virtual frame, coffee table, small tool at sofa na ipinalagay ng aktres para sa kanyang glam team sa tuwing siya ay aayusan para sa mga event o shoots na kanyang pinupuntahan.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Makikita naman ang excitement sa aktres nang ipakita nito ang mga heels at shoes na kanyang favorite spot sa kanyang walk-in closet.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Ang bawat sapatos na kanyang ipinakita ay may sentimental value para sa kanya mula sa mga memorable place na pinupuntahan niya na sinisigurado niyang may iuuwi siyang bagay o sapatos na magpapaalala sa kanya sa travel niya sa lugar na yun.

Sunod naman niyang ipinasilip ang kanyang mga bags at isa nga dito ay ang Louis Vuitton sling bag na pinag-ipunan niyang mabili noong siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Katabi naman ng kanyang mini lounge ay ang classy drink station na inilaan ni Gabbi para sa kanyang mga bisita.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Maliban sa kanyang mga heels ay ipinakita din ni Gabbi ang kanyang koleksyon ng mga sneaker shoes na karamihan sa mga ito ay galing sa kanyang Keds endorsement.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Ipinasilip din ng aktres ang kanyang mga displays, travel clothes, dresser at ang kanyang mga make-up collections mula sa kanyang mga beauty endorsements.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Nagpadagdag din naman sa kagandahan ng kanyang walk-in closet ang isang chandelier at clover design na makikita mula sa ceiling.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

Bumuhos naman ang suporta at kumento mula sa mga kaibigan ni Gabbi sa showbiz at mga netizen sa pagiging elegante at classy ng kanyang ipinakitang walk-in closet.

Credit: Gabbi Garcia YouTube

“So gandaaaaa ❤

Credit: Gabbi Garcia YouTube

“Love it Gabbi! 😍 So proud of you always 👏👏👏

Credit: Gabbi Garcia YouTube

The post Kapuso star na si Gabbi Garcia, ipinasilip ang kanyang bagong gawang glamoroso at malaking walk-in closet appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment