We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephMahirap ang pagtataguyod ng isang pamilya. Lahat ay nagnanais na makapagbigay ng higit sa angking kakayahan upang mapabuti at mapalago ito.
Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay isang sikat na aktres, komedyante, TV host, at singer. Siya ay nakilala mula sa kanyang famous punch line na “Go go go! Todo na ito!” at nakilala din dahil sa kanyang seksing pangangatawan at ang kakaibang galing sa pagpapatawa.
Isa din si Rufa Mae sa piling celebrities na ginamit ang boses para sa navigation app na Waze.
Naglapit ang landas nila ng kaniyang asawa na si Trevor Magallanes nang siya ay gawan ng kanyang mga kaibigan ng isang date nang magbakasyon siya sa San Francisco, California. Ikinasal sila sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City noong November 25, 2016.
Sila ay biniyayaan ng isang anak na babae noong February 17, 2017 na pinangalanan nilang Alexandria Athena.
Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na kinaharap din ni Rufa Mae at ng kanyang asawa ang long-distance relationship.
Ibinahagi ni Rufa Mae na kahit mahirap ay kailangan niyang kayanin na malayo sa asawa para sa kapakanan ng kanilang anak na si Athena.
Ang asawa ni Rufa Mae na si Trevor ay nagtatrabaho bilang financial analyst sa Amerika.
Habang si Travis ay naiwan sa San Francisco para magtrabaho, si Rufa Mae naman ay naging full-time mom sa kanyang anak sa Pilipinas.
Noong February ng taong ito ay lumipad patungong San Francisco ang mag ina, upang ipagdiwang ang Valentine’s Day at ang ika-3 kaarawan ni Athena kasama ang kanyang asawa. Gayunpaman, ang kanilang dapat na dalawang linggong pananatili ay napatagal dahil sa nangyaring p@ndemya.
Sa kanyang post sa Instagram na in-upload niya noong May 12, ipinakita niya ang experiene nila na na-qu@r@ntine sa ibang bansa.
Ibinahagi niya sa isang short video clip ang kanyang pagpila sa grocery store habang pinagmamasdan ang mga taong nakapila dun.
Sinabi din ni Rufa Mae na natutunan niya kung paano maging isang Independent American Woman.
Makikita sa kanyang caption na, “Bawal sabaw, nganga, dapat alerto at masipag sa gawaing bahay, madaming emosyon (nosebleed) ngunit ngayon nakikita ko ang sikat ng araw at ningning ng buhay.”
Kasalukuyang ineenjoy ni Rufa Mae at ng kanyang pamilya ang mga oras at panahon habang sila ay kumpleto at magkakasama.
Pinatunayan ni Rufa Mae na hindi lamang kahusayan sa pag arte ang kaya niya dahil isa rin siyang mapagmahal na asawa at ina sa kaniyang pinakamamahal na pamilya.
The post Todong-todo na talaga ang kasiyahan ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto ngayong meron na siyang sariling pamilya appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes