Ex-PBB Housemate na si Tanner Mata, naghanda ng romantic wedding proposal para kay Maria Fabiana habang kumakain sa isang yate

Nakilala ng publiko ang mga modelong sila Tanner Mata at Maria Fabiana nang pumasok sila bilang housemates sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 Edition.

Credit: Maria Fabiana Instagram

Sa isang artikulo na inilathala ng Star Cinema, sinabi doon na bago pa man pumasok ng Pinoy Big Brother house ang dalawa ay kilala na silang bilang close friends dahil pareho sila ng modeling agency.

Credit: Maria Fabiana Instagram

Noong June ngayong taon ay nagpost sa Instagram ng mga letrato kung saan nakasuot ng tila pangkasal na damit ang dalawa pero hindi naging malinaw kung ito ay isa lamang photoshoot o kung kinasal na ang dalawa.

Credit: Tanner Mata Instagram

Ngayon nga lang weekend ay natuldukan na ang mga haka-haka dahil sa wakas ay nagpost na ang dalawa ng kasalukuyang estado ng kanilang relasyon.

Sa mga letrato at video na pinost ni Tanner sa kanyang Instagram account ay makikita ang kanyang pagpropose kay Maria na tila ginanap sa ibang bansa.

Credit: Maria Fabiana Instagram

Makikita sa video na kumakain ang dalawa habang nasa loob ng isang yate nang biglang lumapit ang isang staff ng yate sa kanilang table na may dalang plato na may nakalagay na singsing. Agad na lumapit si Tanner kay Maria at lumuhod.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tanner Mata (@tanner_mata) on

Hindi malinaw sa video ang mga eksaktong sinabi ni Tanner kay Maria habang nakaluhod ito ngunit sa dulo ng kanyang maiksing speech ay tinanggap ni Maria ang proposal ni Tanner at niyakap nila ang isa’t isa ng mahigpit.

Credit: Tanner Mata Instagram

Sa post ni Tanner, inilagay niya ang caption na, I know what cloud 9 is now”.

Nagreply naman si Maria sa post ni Tanner at sinabing, “You’re the best thing that has ever happened to me ❤

Credit: Maria Fabiana Instagram

Hindi rin nagpahuli si Maria sa pag-anunsyo na siya ang engaged na kay Tanner dahil sa kanyang Instagram account sinabi nito na siya ay “Off the market” na.

Credit: Tanner Mata Instagram

Nagbigay din ng napakagandang mensahe si Maria para sa kanyang ngayong fiance na si Tanner.

Credit: Maria Fabiana Instagram

“God’s promise to me a long time ago was that I would always feel loved, I prayed for a best friend, I prayed for someone who would always take care of me and commit to being mine for the rest of our lives. Today his promise came true, and it was powerful! I could feel the Holy Spirit moving in that room when I said YES! I said YES today, and I will continue to say YES for the rest of our lives. I love you! I’m yours @tanner_mata 💓💓💓

The post Ex-PBB Housemate na si Tanner Mata, naghanda ng romantic wedding proposal para kay Maria Fabiana habang kumakain sa isang yate appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment