We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephSa unang pagkakataon ay naging guest ng sikat na aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang YouTube vlog ang “very special man” sa kanyang buhay at yun ay ang kanyang Papa na si Teodore Bernardo.
Sinabi ni Kath na hindi niya madalas nakakasama ang kanyang ama dahil ito ay nakabase sa Cabanatuan.
“My Papa is rarely in the spotlight, but in everything I do, he never fails to support me behind the scenes. Now finally for the first time ever in this new episode of #EverydayKath, I was able to convince him to do a no-holds-barred interview with me!”
Matapat namang sinagot ng kanyang Papa ang mga katanungan na nagmula mismo sa aktres at mga piling fans nito.
Isa sa mga naging katanungan ay kung ano ang naging reaksyon ng kanyang ama nang ipaalam ni Kathryn ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.
“Sabi ko, pag-isipan muna niyang mabuti. Kilalanin muna niyang mabuti, then kung okay, then go. It’s your feeling.”
Ayon din sa aktres ay hindi din naging madali para kay Daniel na makuha ang tiwala ng kanyang ama.
Ayon sa kanya, “Ako naman, hindi naman overnight ay na-gain ni DJ ‘yung trust ni Papa. It took him years.”
Hindi rin napigilan ng aktres na maging emotional nang mapag-usapan nila ang tungkol sa kanyang childhood memories.
Ibinahagi din ng kanyang ama ang sikreto sa kung paano ito tumayo bilang isang mabuting ama para kay Kathryn at sa mga kapatid nito kung saan inihalintulad niya ito sa isang kalapati.
“Parang kalapating hawak mo lang, wag mong ididiin, wag masyadong maluwag.”
Sa huling parte ng video ay hiningan ni Kathryn ng advice ang kanyang ama tungkol sa mga kalalakihan ngayon na nasa isang relasyon.
“So, sa mga boyfriend, trabahuhin lang. Hindi siya mabilis pero iyon ‘yung mga bagay na hindi minamadali kasi kung nasa posisyon ka ng parents isipin mo na ang hirap din mag-let go ng isang anak, pero you have to earn that trust, and respect is very important.”
The post Sa isang heart-to-heart talk ni Kathryn Bernardo at ng kanyang ama ay ikwinento ng ama ni Kathryn ang naging reaksyon niya nang malaman ang relasyon ng anak kay Daniel Padilla appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes