We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephMaraming naghahangad na maisakatuparan ang bawat mithiin sa buhay sa abot ng kanilang makakaya. May mga pagkakataon man na hindi nakaayon ang tadhana sa mga planong naihanda pero ayon nga sa kasabihan, “Habang buhay, may pag-asa”.
Ngunit paano malalaman kung tama na ba ang panahon para sa pangarap na iyong pinaghandaan?
Ang aktor na si Paolo Contis at aktres na si Alessandra de Rossi ay nakilala sa kanilang pagiging komedyante. Masayang ibinahagi ni Alessandra ang mainit na pagtanggap ng mga netizen sa pelikula nila ni Paolo Contis na “Through Night and Day” na nanatiling trending ngayon sa Netflix Philippines.
Ang nasabing romance-drama film ay tungkol sa dalawang magkasintahan na nagtungo sa ibang bansa at talagang sinubok ang kanilang samahan at pag-iibigan.
Naipalabas ang pelikula na ito noong November 2018 kung saan si Alessandra mismo ang gumawa ng konsepto ng istorya. Sinabi ni Alessandra na nang ginagawa niya ang konsepto ng pelikula ay si Empoy ang nasa isip niyang magiging leading man.
Hindi man si Empoy ang naging leading man ni Alessandra sa pelikula ay proud niyang sinabi na perfect si Paolo sa naging role niya.
Ayon kay Alessandra ay noong unang ipinalabas ito sa sinehan ay apat lang ang nanuod nito at hindi ito naging patok sa mga manunuod pero laking pasalamat nila ni Paolo na gumawa ng ingay ang kanilang pelikulang “Through Night and Day” nang ilabas ito sa Netflix.
Naging sunod-sunod ang pasasalamat ni Alessandra sa kanyang Twitter account para sa mga taong nakapanood at nagbigay ng kanilang kumento kung gaano kaganda ang pelikula.
“Walang hanggang pasasalamat sa lahat ng nagrerecommend at nagpro-promote. Kasi mag-isa lang akong nag-promote n’yan noon. ‘Di ko naman kaya ‘yun. Ano? Superstar? Char. Thank you ulit, my heart is melting. Thank you for watching,” dagdag ni Alessandra.
Ayon sa kanya ay totoo nga na ang lahat ng pinaghirapan sa buhay ay mangyayari sa tamang panahon at sa hindi inaasahang pagkakataon.
“Sabi ni God, sa quarantine kita ilalabas. When everyone needs pure love and understanding. Tama sya.”
Nagpasalamat din si Paolo sa kanyang Instagram account sa mga nakapanood at manonood pa lang ng kanilang pelikula ni Alessandra.
“Maraming Salamat sa mga nanood, nanonood, at manonood pa lang!! #AngPangarapKongHoldap and #ThroughNightAndDay po ay number 1 and 2 sa @netflixph kahapon, 3 and 4 kami.!! Baka bukas, 0 na!! ”
Ito naman ang ilan sa mga positibong komento na natanggap ng pelikula.
“Sobrang ganda ng Through Night and Day. Sobrang idol ko talaga si @msderossi… Rare artist yung ganito, passion at hindi job ang tingin sa pag-aartista.”
“Can’t really contain my appreciation to @msderossi after watching Through Night and Day. Grabe sa kanya din story and concept”
“Sa lahat ng filipino movies sa netflix sa through night and day lang ako umiyak. ”
“Just finished watching through day and night!!! 10/10!!!”
The post Pelikulang “Through Night and Day” ni Paolo Contis at Alessandra de Rossi, trending ngayon at tuloy-tuloy na nakakatanggap ng papuri mula sa mga manonood appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes