We are a creative web design agency who makes beautiful websites for thousands of peoples.
written by
healthychoicephMuling pinatawa at pinasaya ng aktres na si Alex Gonzaga ang netizens nang makasama niya ang sikat na mag-asawang doktor na sila Dr. Willie at Dr. Risa Ong sa isang video na in-upload niya sa kanyang YouTube channel.
Ang mag-asawang doktor na Ong ay kilala dahil sa kanilang mga post at video kung saan nagbabahagi sila ng kanilang kaalaman pagdating sa kalusugan ng tao.
Si Dr. Willie Ong ay isang internist, cardiologist at graduate ng Public Health. Ang kanyang asawa naman na si Dra. Lisa ay isang general medicine doctor.
Hindi nakaligtas ang mag–asawa sa pagiging kwela at palabiro ng aktres nang hingan sila ni Alex ng eksplenasyon tungkol sa mga sikat na mga kasabihan na konektado sa kalusugan ng tao.
Habang nagkikwentuhan sila Alex at sila Dr. Willie at Dr Risa ay itinour nila si Alex sa kanilang Co Tec Tai Medical Museum. Ang museum na iyon ay pag-aari ng kanilang pamilya at ipinatayo ng pamilya Ong para magbigay inspirasyon sa mga estudyante na gusto pasukin ang medisina.
Ilan sa mga naging nakakakatawang katanungan ni Alex ay kung totoo ba na kapag naligo ng basa ang buhok ay lalabo ang mata, kung panggamot nga ba sa hika ang pagkain ng butiki, kung totoo nga bang nakakagaling ng pimples ang paghilamos ng unang regl@ ng isang babae, at kung nakakatanggal nga ba ng pasma kapag in!hian ang kamay.
Ang mga naging katanungan ni Alex ay agad namang sinagot at binigyang linaw ni Dr. Willie at Dr. Risa at sinabi nilang ito ay pawang mga kasabihan lang at walang bahid ng katotohanan.
Nagbigay naman dagdag kaalaman si Dr. Willie na home remedies para sa mga indibidwal na may lisa at kuto. Sinabi niya na ang paggamit ng shampoo na Anti-lies ay pantanggal sa mga lisa at kuto sa buhok.
Pabiro namang bumanat si Alex na ang shampoo na tinutukoy ng doktor ay hindi dapat sinungaling.
Nagbigay din ng isang paalala si Dr. Willie para sa mga kababaihan tungkol UT! at nagawa pa itong gawing kwela ni Alex dahil iba daw ang alam niyang ibig sabihin ng UTI.
“Pero alam n’yo po, mas uso po ang s@kit na UTI sa mga kababaihan. Yung Umibig Tapos Iniwan.”
Panoorin ang kwelang pag-uusap nila Alex, Doc Willie, at Doc Lisa dito:
The post Naging kwela ang unang pagtatagpo nila Alex Gonzaga at ng sikat na mag-asawang doktor na sila Doc Willie at Doktora Lisa Ong appeared first on Trend Star.
healthychoiceph
Omtemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design
Created with by OmTemplates | Distributed by Blogger Themes