Masayang ibinalita ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano ang pagsilang ng kanilang unang baby girl

Isang magandang balita ang bumungad ngayong araw sa mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania-Arellano dahil maayos na ipinanganak ni Iya ang kanilang ikatlong anak at sa wakas ay nalaman na nila ang gender nito.

Credit: Iya Villania Instagram

Kaiba sa naunang dalawang pagbubuntis ni Iya ay hindi nagpa-gender reveal ang mag-asawa para sa kanilang ikatlong anak. Napagdesisyunan nila na antayin na lamang ang araw ng pagsilang ng kanilang baby #3 para ipaalam ang kasarian nito.

Sa wakas, ngayong July 18 ay nalaman na isang baby girl ang ipinanganak na sanggol ni Iya. Ang unang baby girl nila Iya at Drew ay pinangalanan nilang Alana Lauren V. Arellano.

Credit: Drew Arellano Instagram

Nagpost si Iya ng mga video sa kanyang Instagram stories kung saan ipinakita niya ang naging journey niya sa panganganak sa ikatlo nilang baby.

Nagpost muna si Iya ng letrato niya na nakasuot ng face mask at face shield habang nakahiga sa hospital bed. Nakalagay sa letrato na 4:37 ng madaling araw noon.

Credit: Iya Villania Instagram

Sinundan naman noong 7:14 ng umaga ng isang video kung saan maririnig si Iya na sumisigaw na, “I’m done! Wooohooo! Finished. I’m just waiting for my placenta to come out.” Sa background ay maririnig din ang pagiyak ng kanyang bagong silang na sanggol.

Credit: Iya Villania Instagram

Sinabi din ni Iya sa kanyang IG story na naging mahirap ang kanyang panganganak.

“Delivery is hard. Thank you Lord for getting me thru that once again.”

Credit: Iya Villania Instagram

Bumuhos naman ang pagbati sa mag-asawa mula sa kanilang mga kapamilya, kaibigan, at kasama sa industriya.

“Aaaah!!! Congratulations Arellanos! Finally a girl!!! In fairness, napatalon ako dun! Haha @drewarellano @iyavillania”

“Yahooo! Tapos ang Boksing! Alana❤

“Wow! It’s a girl! Woohoo! Congratz Brother!!❤❤❤

Credit: Drew Arellano Instagram

“Combination ni Leon and Kuya Primo 💖💖💖 Finally may kakampi na c Mommy Iya 🤗

“Welcome To the World Baby Alana Lauren❤😍. Hope momma Iya is doing well.😘 Congratulations Arellano family”

“Baby girl, good luck in the future. Kawawa mga boys mo kanila Papa and your kuyas. Can’t wait to meet you! Ninang loves you already. ❤

 

The post Masayang ibinalita ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano ang pagsilang ng kanilang unang baby girl appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment