Marami ang natuwa kay Sandara Park nang hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magsalita ng Tagalog habang nasa isang Korean TV show siya

Natuwa ang mga fans ng koreanang si Sandara Park sa isa niyang show sa South Korea kamakailan dahil habang siya ay nasa isang kunwaring eksena sa teleserye ay bigla itong nagsalita ng Tagalog.

Credit: Sandara Park Instagram      

Dahil dito ay nagtrending ang ang video ni Sandara na nagtatagalog sa Twitter.

Si Sandara Park ay ipinanganak sa South Korea ngunit nagdesisyon ang kanyang pamilya na lumipat at manirahan sa Pilipinas noong siya ay mga sampung taong gulang. Dahil dito ay sa Pilipinas na nakapag-aral at nagdalaga si Sandara kaya naman napakagaling na niya magsalita ng Tagalog.

Credit: Sandara Park Instagram

Nakilala ng mga Pilipino si Sandara nang sumali siya sa reality talent show na Star Circle Quest. Matapos ng reality show ay sunod-sunod na ang mga naging project offer kay Sandara.

Noong 2007 ay bumalik ng South Korea ang pamilya ni Sandara at yun na ang naging simula ng career ng pambansang krung-krung sa ngayong sikat na KPop girl group na 2ne1.

Credit: Sandara Park Instagram

Sa isang episode ng Korean talk show na “Video Star” kung saan isa sa mga host si Sandara ay nagkaroon ng impromptu skit si Sandara kasama ang isang korean actress.

Credit: @kengselyn Twitter

Ang skit ay tungkol sa isang mother-in-law na hindi gusto ang suot ng kanyang manugang.

Credit: @kengselyn Twitter

Nang maubusan na ng sasabihin si Sandara ay bigla itong nagsalita sa tagalog at sinabing,  “Ano po sinasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan, galing po ako sa Pilipinas. Hindi ko alam.”

Nagulat ang lahat nang biglang nagpalit ng linggwahe ang aktres.

Maraming pilipino ang humanga kay Sandara dahil kahit na sikat na ito ngayon sa buong mundo at kasalukuyang naninirahan na sa South Korea ay hindi pa rin nito nakalimutan ang kanyang pusong Pinoy.

Credit: Sandara Park Instagram

“So funny! Dara won vs her ‘mother-in-law’!”

“Walang ka accent accent si Dara mag Tagalog!!! Kung hnd ka Kpop Fan at narinig mo sya, akalain mo na half Filipino takaga si Daraling.”

Credit: Sandara Park Instagram

“Dara uses her filipino power to win against her mother in law is idk is this called super pawaaarrr or wutt afdkcfjfj iluvu krung krung. No one can’t take away Dara’s love for Philippines and Filipino Heart”

The post Marami ang natuwa kay Sandara Park nang hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magsalita ng Tagalog habang nasa isang Korean TV show siya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment