Batang lalaking nagviral dahil masayang sinamahan ang isang cute na aso sa labas ng coffee shop, nabiyayaan ng grocery at mga damit!

Naging viral sa social media kamakailan lang ang letrato at video ng isang batang lalaki na masayang sinasamahan ang isang cute na asong chow-chow sa labas ng isang establishimento.

Credit: Mazikeen the Chow Facebook

Ikwinento ng may-ari ng aso na si AJ Soriano na dumaan siya sa isang coffee shop sa Taguig kasama ang kanyang asong si Mazey para bumili ng maiinom. Dahil hindi pwedeng pumasok sa loob ng coffee shop ang aso ay kinailangan niyang iwan ito sa labas.

Credit: Mazikeen the Chow Facebook

Buti na lang daw ay may isang batang lalaki na lumapit sa kanya at nagtanong kung gusto niyang ipabantay si Mazey sa kanya.

“I need to buy a drink @ cbtl but dogs are not allowed so Mazey should wait for me outside. Luckily this little boy was there and asked me:”

Credit: Mazikeen the Chow Facebook

Little boy: Ate gusto niyo po bantayan ko siya?
Me: osige, mabait naman yan di yan nangangagat
Little boy: okay lang po di naman ako nttakot eh

Habang nagbabayad na si AJ ay nakita niya mula so loob kung paano pinapasaya ng batang lalaki ang kanyang aso.

“While I was at the counter, I saw them through the door that he was making silly faces to make Mazey smile haha! 💖They were too cute, right? 🥰

Bilang pasasalamat ay binigyan ni AJ ang batang lalaki ng maiinom.

Credit: Mazikeen the Chow Facebook

“As a way of saying thank u, I gave him a drink and look how precious his smile is. It’s priceless 💖💖💖

Credit: AJ Soriano via Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook

Pero hindi natapos dito ang pagbuhos ng biyaya para sa 12 years old na batang lalaki na pinangalanang Rondel Mabini dahil nang magsimulang magtrending ang post ni AJ ay bumuhos ang mga mensahe mula sa mga netizen na gustong mag-abot ng tulong kay Rodel at sa kanyang pamilya.

Credit: AJ Soriano via Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook

Dahil dito ay nakipagkita muli si AJ, kasama ng asong si Maze, kay Rondel at kanyang ina. Pinakain nila ito sa isang restaurant, binigyan ng mga damit, at sinamahang mamili sa grocery ng pangangailangan ng kanilang pamilya.

Credit: AJ Soriano via Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook

Minsan hindi natin inaasahan na ang isang simpleng pagpapakita ng kabutihang loob ay malaki ang magiging impact sa ibang tao at ganyan ang nangyari sa istorya ng batang si Rondel.

Credit: AJ Soriano via Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook

The post Batang lalaking nagviral dahil masayang sinamahan ang isang cute na aso sa labas ng coffee shop, nabiyayaan ng grocery at mga damit! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

No comments:

Post a Comment